-- Advertisements --

Itinanggi ng Department of Education (DepEd) bilang fake news ang kumakalat na post na tinanggal na ang Christmas Parties sa mga paaralan.

Sa isang advisory, nilinaw ng ahensiya na wala silang inilalabas na anumang anunsiyo tulad nito.

Kayat, pinaalalahanan ng DepEd ang publiko na maging mapanuri at iulat ang mga page na nagpapakalat ng maling impormasyon.

Pinayuhan rin ang publiko na tanging sa beripikadong online accounts at website ng DepEd sumangguni.

Ang pagdaraos ng Christmas Parties ay isa nga sa tradisyon na sa maraming paaralan partikular na sa mga pampublikong eskwelahan para ipagdiwang ang Christmas holiday season