Umapela si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na manatiling nagkakaisa at matatag sa kanilang tungkulin na protektahan ang bansa sa kabila ng paglaganap ng maling impormasyon at disimpormasyon na naglalayong magdulot ng pagkakawatak-watak.
Ipinahayag ito ng Pangulo sa isang tradisyunal na hapunan kasama ang mga miyembro ng AFP Council of Sergeants Major sa Malacañan Palace sa Maynila.
Mensahe nito na huwag magpapadala sa ingay ng kasinungalingan kundi Tumindig tayo sa katotohanan at huwag hayaang maimpluwensyahan ng pekeng balita at maling impormasyon ang pagkakaisa ng militar at ng administrasyon.
Pinuri rin niya ang buong pusong serbisyo ng mga tauhan ng AFP para sa sambayanang Pilipino, sa kabila ng umano’y mga tangkang subukin ang ugnayan ng kasalukuyang administrasyon at ng militar.
Kumpiyansa ang Pangulo na hindi mawawala sa landas ang AFP at patuloy na makikipagkaisa sa kanyang pamahalaan upang ipagtanggol ang bansa.
Hinimok din niya ang AFP na manatiling tapat sa Konstitusyon, protektahan ang republika, at pangalagaan ang bawat Pilipino sa gitna ng tensyong pang-rehiyon, hamong pang-ekonomiya, at paglaganap ng pekeng balita.
Samantala, tiniyak ni AFP Sergeant Major FCMS Feliciano Lazo na mananatiling propesyonal, disiplinado, at nagkakaisa ang mga sundalo.
Sa mensahe ni M/Sergeant Lazo siniguro niya sa kanilang commaner in chief na mananaili silang apolitical at komited sa kanilang sinumpaang tungkulin.









