Pinatawan ng 250 taon na pagkakakulong ng isang judge sa California ang Filipino tennis coach na si Normandie Santos Burgos dahil sa kasong child molestation.

Ang 55-anyos na si Burgos ay naunang nadiin sa 60 counts ng child molestations.

Napatunayan din sa korte na guilty sa pagbabanta at pagpilit sa kaniyang mga lalaking estudyante na pawang mga menor-de-edad na makipagtalik sa kaniya.

Ibinaba ni Judge Charles Burch ang nasabing hatol kung saan inakusahan din si Burgos ng pananakot na kaniyang iipitin ang mga scholarships ng kaniyang bikitma sakaling hindi ito makipagtalik sa kaniya.

Noong Hulyo 2017 ay inaresto ng Richmond police si Burgos matapos na makatanggap na ulat sa panggagahasa ng 16-anyos na estudyante.

Taong 2006 ng tinanggal si Burgos bilang tennis coach ng Tamalpais High School sa California dahil sa child molestation.