-- Advertisements --

Nagdatingan na ang Pinoy repatriates na iko-quarantine sa pansamantalang floating facility.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Commodore Armand Balilo, ang mga tauhan nila ang naging katuwang ng DoH sa pagsasa-ayos ng MV John Paul II.

Unang dumating ang limang seafarer na mula sa South Korea kaninang umaga, kung saan wala namang nakitang sintomas ng sakit sa initial assessment sa mga ito.

Mamayang hapon ay darating naman ang 35 mula sa Indonesia, habang may 50 naman mula sa Doha, Qatar, mamayang gabi.

Ang PCG doctors umano ang mangangasiwa sa pag-monitor sa Pinoy repatriates at wala munang babaan ang mga ito hanggang sa susunod na kalahating buwan.