-- Advertisements --

Inihain sa House of Representatives ang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng mandatory 14th month pay ng mga nasa pibadong sektor.

Sa ilalim ng House Bill 3808 na inihain ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) party-list Rep. Raymond Mendoza, na ang 13th month pay ay ibibigay dapat sa Hunyo 24 habang ang 14th Month pay ay hanggang sa Disyembre 24 kada taon.

Ang nasabing mga kabayaran ay nasa pag-uusap na rin ng mga empleyado at mga employers o kung mayroong kinikilalang collective bargaining agreement.

Ang 14th month ay katumbas ng isang buwang sahod na natatanggap ng isang empleyado sa kaniyang kumpanya.

Maaring magpa-exempt aniya ang mga kumpanya na nahihirapan pero ito ay dapat otorisado ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Una na ring naghain si Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III ng parehas na panukalang batas sa Senado.