-- Advertisements --
covid vax cobid 1

ILOILO CITY – Napili ng isang international company na nagde-develop ng bakuna laban sa COVID-19 ang ilang mga doktor sa Iloilo Province upang magsagawa ng clinical trial.

Sa panayakay Dr. Louie Tirador, isang internest/ cardiologist, sinabi nito na gagawin nila ang third phase ng clinical trial para sa Walvax Vaccine na manufactured na sa China at may pagkakatulad rin sa Pfizer at Moderna na COVID-19 vaccine na two doses rin ang kailangang iturok sa isang indibidwal.

Ayon kay Dr. Tirador,10 mga lugar ang napili sa Pilipinas kabilang ang Iloilo Province.

Ayon sa doktor, dito na matutukoy ang efficacy o ang pagka-epektibo at safety ng bakuna bago iti ilabas sa mga merkado.

Tirador Uk covid

”Voluntary” lang ayon sa kaniya ang clinical trial para sa mga participants na may edad 18 anyos pataas at walang history ng COVID-19.

Ang mga participants ay bibigyan ng incentives, libreng konsultasyon at insurance.

Inaasahang magsisimula ito sa buwan ng Oktubre.