-- Advertisements --

Walang sinayang na oras si Pinoy boxer Marlon Tapales sa nalalapit ng pagharap nito kay Japanese boxer Naoya Inoue.

Imbes na magdiwang sa Pasko ay iginugol ng 31-anyos na si Tapales ang oras sa pag-ensayo.

Gaganapin ang 12-rounder na laban ng dalawa sa Ariake Arena sa Koto City sa Tokyo ngayong araw sa unification bout sa 122 pounds.

Nakataya sa nasabing laban ang apat na super-bantamweight championship belts.

Para kay Tapales na WBA at IBF champion na isang malaking oportunidad ito para maging unified champion mula sa Pilipinas na nakagawa na ng ilang mga sikat na boksingero.

Habang ang 30-anyos na si Inoue na WBC at WBO champion ay minsan ng naging undisputed champion sa mas mababang bantamweight class.

Sa isinagawang pagtimbang ay may bigat si Tapales na 121 and 1/4 pounds habang si inoue ay mayroong 121 3/4 pounds.