Eumir Marcial

Pasok na sa 2020 Tokyo Olympics si Filipino boxer Eumir Marcial.

Ito ay matapos talunin si Otgonbaatar Byamba-Erdene ng Mongolia sa quarterfinal ng Asian and Oceana Olympic Boxing Qualifier sa Amman, Jordan.

Sa unang dalawang round ay naging matindi ang palitan ng suntok ng dalawa subalit pagdating sa ikatlong round ay umarangkada si Marcial hanggang ipinatigil na ito ng referee.

Kahit na anong mangyari sa semifinals ay tiyak na ang pagpasok nito sa Olympics.

Siya ang unang Filipino boxer na opisyal ng nakapasok sa Olympic at pangatlong atletang Pinoy na makakapaglaro sa Olympics na una ay sina gymnast Carlos Yulo at pole vaulter Ernest Obiena.

Habang may mga laban pa sina Carlo Paalam, Nesthy Petecio, Riza Pasuit at Irish Magno.