Umangat ang Women’s Tennis Association (WTA) ranking ni Filipina tennis player Alex Eala.

Mula kasi dating 903 ay nasa 763 na ito sa world ranking ng WTA.

Naging malaking susi sa pag-angat nito ng ranking ay sa sinalihan nitogn apat na torneo bilang professional tennis player kung saan nakapasok ito sa quarterfinals.

Labis naman ang kasiyahang 15-anyos na tennis player sa pag-angat nito ng ranking.

Magugunitang naipanalo nito ang unang pro title nito ng talunin si Yvonne Cavalie Reimers sa unang bahagi ng W15 Manacor tournament.

-- Advertisement --

Nakapasok ito ng quarterfinals ng sumunod na 2 leg bago ang pagsabak nito sa W25 Grenoble sa France.