-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ni Pinay Tennis star Alex Eala sa Madrid Open.
Ito ay matapos ang straight-set na pagkatalo laban kay Elise Mertens ng Belgium sa score na 6-2 at 6-1 sa ikalawang round ng torneo.
Nagpakita ng maagang kalamangan si Eala para sa first set subalit naging agresibo ang world number 21 na Belgian tennis star.
Pagpasok ng ikalawang set ay dominado ni Mertens ang laro ay hindi na hinayaan pa na makalamang ang Pinay tennis player.
Ito na rin ang pangalawang pagkatalo ni Eala kay Mertens kung saan ang unang pagharap nila ay anoong 2023 sa Monastir Round of 32.















