Natapos na ang kampanya ni Filipina tennis star Alex Eala sa W15 Manacor ITF Rafa Nadal Academy World Tennis Tour.

Ito ay matapos talunin siya ni Oksana Selekhmeteva ng Russia sa quarterfinals.

Nakuha ng Russian tennis player ang score na 6-2, 6-3.

Nasa ranked 942 ang 15-anyos na si Eala habang nasa ranked 611 ang 18-anyos na si Selekhmeteva.