-- Advertisements --
Kabilang ang isang Filipina sa grupo ng mga Harvard research para sa paghahanap ng bakuna ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Si Joann Diray-Arce, na immunoassay and computing lead for the clinical and data coordinating center of the Phenotyping Assessment in a COVID-19 Cohort (IMPACC) research project, ay tutulong sa mga scientists para makagawa ng bakuna.
Sinabi nito na nais nilang malaman ang biomarkers o signatura ng nasabing COVID-19.
Ang nasabing pag-aarala ay pinangunahan ng National Institute of Allergy and Infectious Disease o NIAID sa ilalim ni Dr. Anthony Fauci.