LAOAG CITY – Handang-handa ang Israel sa posibleng pag-atake sa kanilang bansa, kasama na ang Iran.

Ito ang naging pahayag ni Elvie Selario Aviador, taga Koronadal City at kasalukuyang nagtatrabaho sa Tel Aviv, Israel bilang isang caregiver matapos magbanta ang Iran kung gaganti ang Amerika matapos magpaulan ng dinose-dosenang missiles at kasamang aatakihin ang Israel at Dubai.

Sinabi niya na noong umatake ang Pakistan at Turkey sa Israel ay hindi nagtagumpay ang dalawang bansa dahil naintercept ang lahat ng mga missile na ipinadala.

Kampante si Aviador na hindi magpapabaya ang Israel habang nasanay na sila sa mga nangyayaring pagsabog ng mga bomba.