Pasuit Riza
Riza Pasuit/ FB image

Pasok na sa last 8 sa Asiana-Oceania Boxing Qualification Tournament ng 2020 Olympics si Filipina boxer Riza Pasuit.

Ito ay matapos talunin ang Japanese boxer na si Saya Hamamoto ng women’s lightweight match Round-of-16 na gananap sa Amman, Jordan.

Sa simula pa lamang ay pinaulanan na ng suntok ni Pasuit ang Japanese boxer.

Nagawa pang makabawi sa huling round si Hamamoto subalit hindi na hinayaan pa ni Pasuit na makabangon pa ang kalaban.

Dahil sa panalo ay pasok na sa quarterfinal round si Pasuit na isang silver medalist.

Nauna rito pasok na rin sa quarterfinals si Nesthy Petecio ng talunin si Krismi Lankapuravalage ng Sri Lanka sa 5-0 victory.

Habang nakuha ni Ian Clark Bautista ang 3-2 panalo laban kay Hayato Tsutsumi ng Japan sa men’s feather weight bout.