-- Advertisements --
image 447

Tinutulungan na ngayon ng Philippine Embassy sa Riyadh ang mga Filipino pilgrims sa Muzdalifah, Saudi Arabia.

Ito ay matapos na mapaulat na aabot sa 287 na mga kaso ng heart stroke at exhaustion sa nasabing bansa, mula nang magsimula ang pagdaraos ng taunang hajj sa ngayong taong.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Embahada ng Saudi sa Riyadh sa ngayon ay narating na ng kanilang response team ang Muzdalifah upang magpaabot ng tulong sa mga kababayan nating na-stranded sa lugar.

Kasabay nito ay nagpaabot nito ay nanawagan na rin ito sa mga otoridad nsa Saudi kabilang na ang Ministry of Hajj at Umrah at gayundin sa mga local ambulance services upang tugunan ang naturang sitwasyon.

Samantala, sa ngayon ay wala pang inilalabas na pinal na bilang ang naturang embahada hinggil sa kabuuang bilang ng mga Pilipinong na-stranded, o kung may mga kababayan pa tayong nangnagailangan ng tulong medikal.

Ang “annual hajj” ang isang banal na aktibidad para sa mga mananampalatayang muslim kung saan daan-daang libo sa kanila ay nagtutungo sa Mount Arfat upang manalangin sa kasagsagan ng taunang hajj pilgrimage na isinagawa sa kasagsagan ng panahon ng tag-init sa Saudi Arabia.