Magpapadala ang Pilipinas na pawang mga babae na police unit sa isa sa mga United Nations Peacekeeping missions.
Ayon kay Police Major Sancho Celedio of UN Peacekeeping Center Screening and Deployment Section, naghahanda na sila ng ng isang company, limang platoons at all-women police unit.
Sa mga nagdaan kasi ay nagpadala na ng kapulisan at Armed Forces of the Philippines sa South Korea bilang bahagi ng Philippine Expeditionary Force.
Dagdag pa nito na mayroong ilang PNP personnel ang nasa South Sudan bilang bahagi rin ng United Nations Mission in South Sudan (UNMISS).
Bukod sa Sudan ay mayorong sundalo rin ang nakatalaga sa Central African Republic, India at Pakistan.
Sa nagdaang mahigit na 60 na taon ay naging bahagi na ang mga Pinoy peacekeepers sa 21 peacekeeping missions.