Magpapatupad ang gobyerno ng travel restriction sa Bermuda isang British island territory sa North Atlantic Ocean ang tanging bansa na nasa “red list” mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 15.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tanging ang Bermuda lamang ang nasa redlist dahil ang ibang 49 na bansa ay nasa “Green List” na.
Nakasaad sa guidelines ng na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na ang mga galing mula sa lugar na na sa red list ay bawal na pumasok sa bansa kahit na sila ay bakunado pa.
Habang ang mga galing sa green list na fully vaccinated ay sasailalim sa quarantine ng pitong araw mula sa dating 10 araw.
Narito ang listahan ng 49 na bansa: American Samoa, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China (mainland), Comoros, Republic of the Congo, Djibouti, Falkland Islands (Malvinas), Hungary, Madagascar, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat, New Zealand, Niger, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Pierre and Miquelon, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Algeria, Bhutan, Cook Islands, Eritrea, Kiribati, Marshall Islands, Nauru, Nicaragua, Niue, North Korea, Saint Helena, Samoa, Solomon Islands, Sudan, Syria, Tajikistan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Uzbekistan, Vanuatu, Yemen.
Dagdag pa ni Roque na ang mga wala sa listahan ay mga nasa Yellow LIst na sila ay sasailalim pa rin sa 14 araw na quarantine na kinabibilangan ng 10 araw sa facility based-quarantine at apat na araw sa home quarantine.