-- Advertisements --

Ipinahayag ni House Appropriations Vice Chairperson Zia Alonto Adiong na ang pagtulak ng Kamara para sa kauna-unahang ”fully open”  bicameral conference committee ay bahagi ng mas malawak na transparency drive na nagsimula pa noong 20th Congress.

Ayon kay Adiong, ang desisyong buksan sa publiko at media ang bicam proceedings ay nakaugat sa mga repormang inumpisahan sa ilalim ni dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez upang gawing mas malinaw at mas madaling sundan ang national budget process.

Kabilang sa mga repormang naglatag ng transparency framework para sa 2026 budget deliberations ang pagbuwag sa small committee, pagbubukas ng House–Senate bicam meetings, paglahok ng civil society at private sector sa budget hearings, pagpapalakas ng oversight mechanisms, at pagtutok sa mga programang direktang nakikinabang ang mga komunidad.

Giit ni Adiong, patunay ang mga pagbabagong ito sa pangako ng Kamara sa transparency, accountability, at mas malawak na partisipasyon ng publiko.

Ayon sa Kongresista, pinatitibay nito ang kultura ng “openness” para makita ng mamamayan kung paano ginagamit ang pondo ng bayan.