-- Advertisements --
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na patuloy ang pagsampa ng kaso laban sa mga sangkot sa anomalya ng flood control projects.
Ayon sa Pangulo, na tiniyak nito sa publiko na maging ang mga ninakaw na pondo ay maibabalik sa gobyerno.
Nakita rin nito ang paggulong ng kaso dahil sa pagsuko ng contractor na si Sarah Discaya sa National Bureau of Investigation habang hinihintay pa ang warrant of arrest laban sa kaniya.
Nakikita nito ang proseso na ang mga sindikato na sangkot sa nasabing anomalya ay sasampahan ng kaso.
















