Apat na pwesto ang inangat ng Pilipinas sa pandaigdigang rankings ng 2020 Global Innovation Index (GII), kaya naman nasa ika-50 na ang ranggo ng bansa mula sa 131 na iba pang estado.
Ibig sabihin, nagbunga ng magandang development ang mga polisiya sa bansa na inangkla sa agham at pananaliksik.
Sa loob ng anim na taon, nagawang umangat ng estado mula sa ika-100 pwesto nito noong 2014, patunay na lumakas pa ang research and development (R&D) sa bansa, ayon sa Department of Science and Technlogy (DOST).
“The country’s latest performance in the GII is a testament to its continuous commitment to innovation since 2014 when it ranked 100th place.”
Mula sa 29 na estado na sakop ng lower middle-income countries category, nasa ikaapat na pwesto ang Pilipinas. Nasa 11th place naman ang bansa mula sa 17 estado sa rehiyon ng South East Asia, East Asia, and Oceania.
Nahanay din ang bansa sa China, Vietnam at India na mga estadong may naipamalas na magandang overall performance sa nakalipas na taon.
Ayon kay DOST Sec. Fortunato de la Peña, hindi naging hadlang ang krisis ng coronavirus disease pandemic para palakasin ang pagsasaliksik at development sa bansa bilang tugon sa nagbabagong panahon.
“The strategy of putting innovation at the center stage of our policy-making initiatives fortified our capacity as a country to be strong, resilient and adaptable to change. Even with the problems brought by COVID- 19, we have shown that innovation through R&D is the key to survival and success in the new environment.”
Dalawa ang ginagamit na batayan sa GII: ang Innovation Input at Innovation Output. Sa hanay ng Innovation Input, 70 rank ang inangat ng Pilipinas mula 2019. Ayon sa DOST, dulot ito ng dagdag na investment ng gobyerno sa research and development.
Umangat din sa 41 mula 42nd rank ang bansa sa Innovation Output, na bunga umano ng pagpapalakas ng human resource sa science and technology ng bansa, at pagtatayo ng dagdag na mga pasilidad.
Naniniwala ang DOST na nakatulong ang whole-of-government approach na matagal nang ipinatutupad para sa paglikha at pagdiskubre ng bansa sa iba’t-ibang innovation.
Mula 2007, aktibo ang Science department sa pagpapatupad ng graduate programs para sa science and engineering sa ilalim ng DOST-Science Education Institute; pagsuporta sa mga Pinoy scientists na nagbalik bansa sa pamamagitan ng Balik Scientist Program; at iba pang R&D initiative tulad ng Science for Change Program.
“With the high marks achieved by our country in the latest GII, R&D provides us the opportunity to change and mold the shape of our country’s recovery from the pandemic,” ayon kay DOST Usec. for Research and Development Rowena Cristina Guevara.
Ang GII ay magkasamang dinevelop ng Cornell University, INSEAD, at World Intellectual Property Organization (WIPO), na isang specialized agency ng United Nations. Para sa ika-13 edition ng index ngayong taon, ang tema ay: “Who Will Finance Innovation?”