-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na mananatiling protektado ng ahensya ang mga local agriculture products gaya ng bigas, mais, asukal, manok, isda, at baboy sa isinasagawang negosasyon sa taripa sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., parehong iginiit nina Secretary Frederick Go at Trade Secretary Cristina Roque na pangunahing prayoridad ng Pilipinas ang kapakanan ng mga lokal na magsasaka at mangingisda.

Ito’y matapos ang pahayag ni U.S. President Donald Trump na pumayag umano ang Pilipinas sa 19% taripa sa exports nito, kapalit ng duty-free access ng mga produkto ng Amerika.

Magugunitang nilinaw ng Malacañang na wala pang pinal na kasunduan para dito.

Dagdag pa ng DA na tinitiyak ni Secretary Go na walang concessions na makasisira sa lokal na industriya at dapat maging balanse ang anumang kasunduan sa pagitan ng pagpapalawak ng merkado at proteksyon sa kabuhayan ng mga Pilipino.