-- Advertisements --
Sumailalim sa operasyon ang forward ng Phoenix Fuel Masters na si Sean Anthony.
Ayon sa koponan na tinanggal ang kaniyang bone spurs mula sa kanilang ankle.
Dahil sa operasyon ay hindi ito makakapaglaro ng hanggang anim na linggo.
Hindi naman maitago ng 35-anyos na si Anthony ang kaniyang kasabikan para sa muli nitong pagbabalik.
Si Anthony ay kakakuha lamang ng Fuel Masters mula sa NorthPort Batang Pier kapalit ni Vic Manuel.