-- Advertisements --

Pormal na hiniling ng mga prosecutor ng International Criminal Court na maisumite ang written testimony at exhibits ng key witness na si P-1100 sa kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Acting Prosecutor Mame Mandiaye Niang, makatutulong ang paggamit ng naunang recorded statements upang paikliin ang live examination ng saksi mula pitong oras patungong dalawang oras lamang.

Isinaalang-alang din ng prosecution sa kanilang hakbang ang kasalukuyang kalagayang pangkalusugan ng dating pangulo.

Iginiit ng prosecution na ang testimonya ni P-1100 ay relevant, reliable, at probative para sa paglilitis ng kaso.

Nagbibigay rin umano ang naturang pahayag ng mahalagang ebidensya kaugnay ng modus operandi ng Davao Death Squad.

Nilalaman din ng testimonya ang mga detalye sa sinasabing individual criminal responsibility ni Duterte sa mga alegasyon.