-- Advertisements --

Matagumpay na naibigay ng kinatawan ng Pilipinas ang kauna-unahang korona ng Miss Eco Teen International para sa bansa.

Sa ginanap na coronation night sa Egypt kaninang madaling araw, oras sa Pilipinas, tinalo ni Roberta Ann “Ro-An” Tamondong ang 34 pang naka-showdown mula sa iba’t ibang bansa.

Ro An Miss Eco Teen champ

Tinanghal naman na first runner-up ang Miss South Africa, habang ang may lahing Pinay din na kumatawan sa Netherland ay second runner-up.

Sa question-and-answer round, naitanong sa Miss Philippines ang patungkol sa teknolohiya:

“Do you think technology is hurting personal relationships and why do you think?”

Narito naman ang kanyang winning answer: “Ok, first of all, social media is a very powerful tool that we use nowadays. It can be used as entertainment, communication to your loved ones— your family or your friends— and third is information. But more than that, I want to know… to the people, that social media can be a powerful change to use as information about what’s happening to the environment. And that’s my advocacy— spread awareness to the youth with regards to environmental issues via social media. Because social media is a very powerful tool that we use and we want that to be the voice of change. Because at the end of the day, this is our one and only home.”

Naidagdag sa kanyang special award ang Best National Costume.

Una nang humakot ng tatlong special award ang 18-year-old Laguna beauty sa pre-pageant activities.

Eco Teen Ph bet 4
Eco Teen Ph bet 2

Kabilang dito ang pagiging first runner-up sa Beach Wear Prime competition, gayundin ang Best Eco Dress award para sa kanyang Filipiniana-inspired costume na gawa sa reusable plastic bags, at naging second runner-up sa talent competition kung saan humataw ito sa tradisyunal na Igorot dance number.

Si Ro-An ang siyang itinalaga ng Miss World Philippines Organization na maging kinatawan ng bansa sa Miss Eco Teen International 2020.

Kuwento ng high school student, pinayagan naman siya ng kanyang ina basta’t mag-iingat lalo’t hindi pa natatapos ang coronavirus pandemic.

Para kay Tamondong, ligtas naman ang kanyang pakiramdam sa pagtungo at pananatili sa Egypt sa kabila ng pandemya dahil kaunti lamang ang kaso ng deadly coronavirus sa naturang bansa.

Noong nakaraang taon ay nagtapos sa Top 5 ang bansa sa Miss Eco Teen pageant.