-- Advertisements --
Nilinaw ni Phivolcs volcanologist Dr. Paul Alanis na walang kaugnayan ang magkakasunod na lindol na nangyari sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, sa magkakasunod ding pag-aalburuto ng bulkang Taal at Kanlaon.
Ito ay sa kabila ng aniya’y halos pagkakapareho ng dalawang natural calamity
Paliwanag ni Dr. Alanis, walang koneksyon ang mga malalakas na lindol sa sumunod na pagsabog ng bulkang Taal at Kanlaon.
Kung ibabatay aniya sa kasalukuyang sitwasyon ng dalawa, parehong nasa ilalim ng alert level ang dalawang bulkan, kaya’t hindi na nakakapagtaka ang tuluyang pagputok ng mga ito.
Nilinaw din ni Alanis na hindi nagsilbing mitsa ng pagsabog ng dalawang bulkan at mga lindol na nangyari, at sa halip ay walang anumang natukoy na koneksyon ang mga ito.
















