GENERAL SANTOS CITY – Niyanig ng malakas na magnitude 6.2 na lindol ang bayan ng Governor Generoso, Davao Oriental.

Batay sa datos mula sa Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa layong 92-kms timog-silangan ng Governor Generoso (Davao Oriental).

May lalim ito na 76 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Nakaranas ng Intensity V sa Mati City at Intensity II naman sa Bislig City.

Nakapagtala rin ang Phivolcs ng instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV – Alabel & Kiamba, Sarangani
Intensity III – Kidapawan City
Intensity I – Cagayan de Oro City; Bislig City

Sa kasagsagan ng lindol, mistulang dinuduyan ang ilang mga magagaang gamit na nakasabit sa dingding at kisame ng himpilan ng Bombo Radyo GenSan.

Habang nakaramdam naman ng pagkahilo ng mga empleyado.

Sa paglilibot naman ng Bombo Patrol naiulat ang pagkahulog ng ilang parte ng kisame sa malalaking mall sa GenSan.