Kinumpirma ni outgoing Philippine Navy Flag Officer-in-command Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo na nakatakda na sanang pirmahan ang kontrata para sa gagawing procurement ng Pilipinas sa kauna- unahang diesel-electric submarine pero dahil sa Covid-19 pandemic naantala ito.
Ayon sa navy chief na nakatakda ng magretiro sa serbisyo bukas June 9,2021, base sa kanilang timeline na sa second semester ng 2021 o sa unang semester ng 2022 sana pipirmahan ang kontrata para sa Navy’s submarine acquisition program.
Pero dahil sa Covid-19 response ng gobyerno ilan sa kanilang pondo ay nare-align kaya pending muna sa ngayon ang nasabing proyekto.
Tinatayang nasa P70-billion ang pondo na inilaan ng Phil Navy para sa pagbili ng dalawang submarines na may integrated logistics support package (ILS).
Pero sa ngayon hindi pa masabi ni Bacordo kung sino ang contractor
dahil wala pang isinagawang bidding. Ang mga bansang interesado sa bidding ay ang France, South Korea, India, Singapore at Turkey.
Naniniwala ang navy chief na ang pagbibigay prayoridad sa pagbili ng submarine ay malaking tulong ito sa Philippine Navy’s credible deterrence capability para mapalakas pa ang maritime defense capabilities ng hukbo.
Giit ng opisyal sa sandaling mayruon ng submarine ang Pilipinas hindi na basta basta pa makapasok sa teritoryo ng bansa lalo na exclusive economic zone ng Pilipinas dahil hindi nila alam kung saan naka pwesto ang submarine.
Dagdag pa ni Bacordo na sa ilalaim ng Naval Operating Concept balak pa nilang bumili ng anim na anti-air frigates, 12 anti-submarine corvettes at tatlong submarines at iba pang naval assets.
Sa kabilang dako, pinirmahan na rin ni Bacordo ang term sheet sa kanilang intensiyon na i acquire at idevelop ang 100 hectares parts ng Hanjin North Yard sa Subic Bay.
Plano kasi ng Navy na gawing kampo ng kanilang Philippine Fleet, Naval Sea Systems Command at Amphibious Assault Battalion.