NTF PGH VACCINE
-- Advertisements --
NTF KLM ASTRAZENECA COVAX1
IMAGE | President Rodrigo Duterte holding a vial of AstraZeneca vaccine. About 525,600 doses of British-Swedish vaccine was donated by World Health Organization-led COVAX Facility/NTF, Facebook

MANILA – Aabot na sa 215,997 doses ng coronavirus vaccines ang naituturok ng Pilipinas sa parehong bilang ng mga indibidwal sa buong bansa.

Ito ang pinakabagong datos na inilabas ng Department of Health at National Task Force against COVID-19 matapos ang dalawang linggong pagbabakuna ng bansa laban sa coronavirus.

Batay sa impormasyon ng mga ahensya, may katumbas na 38% ng populasyon na ang nabigyan ng COVID-19 vaccines.

As of March 15, 96% o 1.79-million na ang naipamahagi sa 929 vaccination sites.

“96% of available doses have been distributed, reaching the the island provinces of the country,” ayon sa DOH.

-- Advertisement --

Sa kabuuan, aabot sa 1,125,600 doses ng COVID-19 vaccines ng Sinovac at AstraZeneca ang natanggap ng Pilipinas.

Ayon sa DOH at NTF, tanging mga frontline healthcare workers ang binabakunahan sa ilalim ng priority list. Binigyan din daw sila ng pagkakataon na pumili kung alin sa dalawang available na bakuna ang ituturok sa kanila.

Una nang sinabi ng Health department na kumpleto na ang supply ng regional offices para sa first dose ng COVID-19 vaccines.

Sa ngayon ang Davao region ang may pinakamataas na vaccination rate na 90.25% mula sa natanggap na 39,400 doses ng bakuna.

Sumunod ang National Capital Region na may 68.77% rate (mula sa natanggap na 278,870 doses); at Cagayan Valley na may 61.39% vaccination rate (mula sa kanilang 31,980 doses).

Pinakamababa naman ang bilang ng nabakunahan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na may 12.64% (mula sa 18,4000 vaccines); Calabarzon na may 14.87% rate (mula sa 91,200 vaccines); at Mimaropa na may 15.15% (mula sa 25,500 vaccines supply).

“The vaccination of healthcare workers is being done in batches to ensure adequate staffing in health facilities, in light of possible adverse events.”

Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 70-million Pilipino ngayong taon para maabot ang “herd immunity” laban sa COVID-19.

Sa susunod na buwan plano ng gobyerno na matapos ang pagbabakuna sa tinatayang 1.8-million healthcare frontliners.