-- Advertisements --
Tiniyak ng Philippine-US communities ang kanilang suporta, pinalakas na kooperasyon at partnership para a paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na malaki ang epekto sa pagpapalawak at pagpapalalim sa relasyon ng Pilipinas at Amerika na isang hakbang para makamit ang mga pagbabago.
Sinabi ng Pangulo na kapaki-pakinabang ang naging pag-uusap nila ni US President Joe Biden kaugnay sa pag amyenda sa mutual defense treaty.
Ipinunto din ng chief executive na mahalaga din ang role ng private sector sa economic development.
Ito ang ipinangako ng United States-Philippines Society, co chaired ni dating US Ambassador John D. Negropotente.















