-- Advertisements --

Umakyat ang Pilipinas sa ikawalong pwesto sa Global Muslim Travel Index 2025.

Sa budget hearing ng House Committee on Appropriations, iniulat ni Tourism Secretary Christina Frasco na mula sa dating ika-12 pwesto noong nakalipas na taon umangat ang posisyon ng Pilipinas.

Ito ay pagkilala aniya sa pagsusulong ng ahensiya para sa halal-certified dining Muslim-friendly hotels at mga inklusibong programa ng ahensiya.

Nagbunsod aniya ito para kilalanin ang ating bansa bilang rising Muslim-friendly destination.

Kinilala din ng kagawaran ang halal at Muslim-friendly tourism bilang pinakamabilis at pinapahalagahang parte ng turismo sa buong mundo.