-- Advertisements --

Nakibahagi na rin ang Pilipinas sa pagsisikap ng buong mundo para magkaroon ng patas at walang papaborang access sa COVID-19 vaccines sakaling may matagumpay ng mabuo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang partisipasyon ng bansa sa Gavi COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) Facility.

Ayon kay Sec. Roque, kasama sa inaprubahan ang paglalaan ng kaukulang pondo para rito.

Maliban sa Pilipinas, nasa 150 bansa na rin ang sumusuporta sa nasabing inisyatiba sang-ayon sa World Health Organization (WHO).