-- Advertisements --

Pumapalo sa $10 billion o mahigit kalahating trilyong piso ang nalulugi sa Pilipinas mula sa mga problemang dulot ng climate change sa loob ng nakalipas na 10 taon.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, na kinatawan ng bansa sa nagpapatuloy na 2021 United Nations Climate Change Conference sa Glasgow, Scotland, United Kingdom, napakalawak ng epekto sa Pilipinas ng pagbabago ng panahon.

Sa kabila ito ng napakaliit na ambag natin sa greenhouse gas emission sa mga nakalipas na taon.

Sa data ng DOF, umabot sa 98.2% ang kabuuang nawala dahil sa climate-related hazards mula 2010 hanggang 2020.

Kabilang sa pangunahing nararanasan sa bansa ang mahigit 20 bagyo at kabi-kabilang lindol.

Tiniyak naman nitong agresibo ang bansa na makatulong upang maiwasan ang matinding epekto ng global warming.