Ikinatuwa ni Energy Secretary Sharon Garin ang desisyon ng Korte Suprema na nagpawalang-bisa na maningil laban sa mga pribadong contractor ng Malampaya Natural Gas Project.
Ayon kay Garin, magdudulot ito ng tiwala at katiyakan para sa mga dayuhang mamumuhunan sa sektor ng enerhiya.
Sa desisyong inilabas noong Hulyo, sinabi ng Korte Suprema na kasama na sa 60% na bahagi ng gobyerno mula sa kita ng proyekto ang income tax ng mga contractor.
Ito ay taliwas sa naunang pasya ng Commission on Audit (COA) na nagpapabayad ng P53 billion sa mga contractor tulad ng Shell Exploration B.V., PNOC Exploration Corporation, at Chevron Malampaya LLC.
Dagdag pa ni Garin, malinaw na ngayon ang patakaran pagdating sa buwis ng mga contractor, kaya mas magiging bukas ang Pilipinas sa mga bagong mamumuhunan sa oil at gas exploration.