-- Advertisements --

Kinalampag ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang Department of Public Works and Highways o DPWH hinggil sa Dimasalang Bridge rehabilitation.

Kung saan kanyang tinawag ang atensyon nito kasunod ng ianunsyo ng DPWH ang planong pagpapasara sa southbound lane ng naturang tulay.

Giit kasi ng kasalukuyang alkalde ng lungsod ng Maynila na hindi raw umano ito kumuha muna ng permiso mula sa lokal na pamahalaan.

Bukod sa kakulangan ng ‘work clearances’ at ‘permits’, ani Mayor Isko Domagoso, wala rin daw pinal na ‘traffic management plan’ para sa rehabilitasyon ng Dimasalang Bridge.

Magtatagal ang naturang proyekto hanggang sa buwan ng Disyembre; bunsod nito’y nag-isyu ng ‘cease and desist order’ ang alkalde para ipahinto ang planong rehabilitasyon.

Kaya’t kanya ring ipinag-utos sa mga tauhan ng city hall na kumpiskahin ang mga kagamitan ng ahensiya at ipa-impound ang mga behikulo nito.