-- Advertisements --

Nakatakda ngayong ganapin ang ika-2 Philippine International Nuclear Supply Chain Chain Forum (PINSCF) sa Grand Hyatt Manila sa Taguig City na gaganapin sa Oktubre 2–3, 2025 ayon sa Department of Energy (DOE).

Layon ng forum na palalimin ang pakikipagtulungan sa mga international expert at bansa, ukol sa pagsulong ng Pilipinas na planong magdagdag ng 4,800 megawatts ng nuclear power capacity pagsapit ng taong 2040.

Target pa ng gobyerno na maisama ang nuclear power sa energy mix sa 2032.

Kaugnay nito inaasahang lalahok ngayong taon ang mga delegasyon mula sa Argentina, China, Finland, France, Hungary, Japan, Russia, UAE, at USA, kasama ang mga lokal na kinatawan mula sa pamahalaan at pribadong sektor.

Tampok sa programa ang mga plenary sessions, technical presentations, at networking activities.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, patunay ang forum ng seryosong hangarin ng Pilipinas na pasukin ang nuclear energy.

Dagdag pa ng kalihim, ang pagkakaroon ng mga international experts sa bansa ay nagpapakita lamang aniya ng kahandaang para sa ligtas at sustenableng pag-produce ng nuclear energy.