DTI SEC RAMON LOPEZ
DTI SEC RAMON LOPEZ/ FB POST

TOKYO – Nilagdaan na ang P300 billion halaga ng business agreements sa pagitan ng Pilipinas at Japanese investors.

Sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez, kabuuang 26 na agreement ang nakapaloob sa nasabing mga business deals na naisara ngayong araw na kinabibilangan ng joint venture, expansion at letter of intent (LOI).

Ayon kay Sec. Lopez, karamihan dito ay operations expansion na aabot sa 19.

Inihayag ni Sec. Lopez na binubuo ito ng malalaking kompanyang may operasyon na sa Pilipinas gaya ng mga kilalang Japanese car companies.