Russian plane
Russian plane burning

BACOLOD CITY – Kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Russia na walang Pilipinong nadamay sa nangyaring pagkasunog ng isang pampasaherong eroplano sa Russia kung saan umabot sa 41 na katao ang namatay.

Sa pahayag ni Star FM Bacolod international correspondent Ejay Merced, medyo isolated na umano ang Murmansk kung saan patungo ang flight SU1492, gayundin ang lugar kung nasaan ang Sheremetyevo airport na pinagyarihan ng sunog.

Karamihan din aniya ng mga Pilipino doon ay nasa Moscow, Yakutsk, at Saint Petersburg.

Sa mabilis na pakikipagkonekta naman ni Ambassador to Russia King Sorreta sa Russian authorities ay maagang nakumpirmang walang Pinoy na sakay ang nasunog na eroplano.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Philippine Embassy sa mga pamilya at kaibigan ng mga nasawi.