Pumalo na sa 1,003 ang bilang ng mga namamatay dahil sa pandemic na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, dahil siyam na bagong naitalang namatay.

Batay sa case bulletin ng Department of Health (DOH), umakyat na rin sa 21,895 ang total ng confirmed COVID-10 cases as of June 7. Nakapagtala ang DOH ng 555 na mga bagong tinamaan ng sakit.

Mula sa nasabing bilang 378 ang “fresh cases” o mga kaso ng COVID-19 nakumpirma at na-validate sa nakalipas na tatlong araw. Nasa 177 naman ang “late cases” o mga test results na lagpas apat na araw nang nakumpirma pero ngayon lang na-validate.

Ang bilang naman ng recoveries ay nasa 4,530 na dahil sa 89 na bagong gumaling.