-- Advertisements --

MANILA – Umabot na sa 527,272 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa pinakabagong case bulletin ng ahensya, nadagdagan pa ng 1,658 ang coronavirus cases sa bansa.

“5 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on January 31, 2021.”

Sa ikaapat na sunod na araw, hindi muli naglabas ang DOH ng listahan ng mga lugar na may pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng sakit.

Pero nasa 28,891 pa ang active cases o nagpapagaling.

Ang total recoveries naman ay nasa 487,574 na dahil sa nadagdag na 27 na bagong gumaling.

Habang 58 ang nadagdag sa numero ng total deaths na ngayon ay 10,807 na.

“4 duplicates were removed from the total case count. Of these, 4 were recovered cases.”