-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY — Nagpahayag ng matinding pangamba ang Freedom of Free Workers (FFW) kaugnay sa desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang ika-apat na impeachment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte.

Sa gitna ng umiigting na tensyong politikal, umapela si Atty. Proculo Sarmen, legal counsel ng FFW, sa Kamara na igalang ang pasya ng Kataas-taasang Hukuman upang maiwasan ang posibleng constitutional crisis.

Ayon kay Sarmen, tungkulin ng Kongreso na panatilihin ang sistemang check and balance, at hindi dapat gamiting sandata ang impeachment para sa pansariling layunin o pamumulitika.

Giit niya, ang desisyon ng Korte Suprema ay nagpapalakas sa batas at sa integridad ng mga demokratikong institusyon ng bansa.

Nananawagan din ang grupo sa Armed Forces of the Philippines na maging handa sa pagganap ng kanilang tungkulin sakaling humantong sa krisis, lalo na’t naisumite na ng Kamara ang motion for reconsideration sa naturang kaso.