MANILA – Balik sa lagpas 1,000 ang bilang ng mga bagong tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos sumirit sa higit 2,000 kahapon, January 11.
Ngayong araw nag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 1,524 new cases kaya umakyat sa 491,258 ang total cases ng COVID-19 sa Pilipinas.
Pero hindi pa raw kasali rito ang report ng anim na laboratoryong bigong makapag-submit ng report.
“6 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on January 11, 2021.”
Ang Davao City pa rin ang nangunguna sa listahan ng mga lugar na may pinakamataas na numero ng bagong kaso na umabot ng 137.
Sumunod ang Quezon City na may 109 news cases; Rizal province (92), Davao del Norte (53), at Cebu City (51).
Nasa 23,532 pa ang bilang ng active cases o nagpapagaling.
Ang bilang ng mga gumaling ay nasa 458,172 na dahil sa dagdag na 44 na new recoveries.
Habang 139 ang bagong naitalang namatay, kaya sumirit sa 9,554 ang total deaths.
“2 duplicates that were removed from the total case count. Of these, 1 death has been removed.”
“Moreover, 78 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”