Pumalo na sa higit 60,000 ang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa pinakabagong case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH).
Mula sa submission ng 71 mula sa 84 na lisensyadong laboratoryo sa bansa, may 2,498 na bagong kaso ng sakit. Kaya ang total ay umakyat na sa 61,266.
Ang active cases o nagpapagaling na pasyente mula sa nasabing total ay 38,183. Binubuo ito ng 90.7-percent na mga mild, 8.5-percent na asymptomatic, 0.5-percent na critical, at 0.4-percent na mga severe.
Samantala ang bilang naman ng recoveries ay nasa 21,440 na dahil sa 467 na bagong naitalang gumaling.
Habang ang total deaths ay nasa 1,643 dahil sa 29 na bagong naireport na namatay.
Ayon sa DOH, 16 mula sa mga bagong namatay ang galing sa Central Visayas. Siyam sa NCR, tatlo sa Northern Mindanao at isa mula sa Caraga region.
“Eighty-two (82) duplicates were removed from total case count. of these, three duplicates previously reported as recovered have been removed from the total count of recoveries after final verification.”
“The total cases reported may be subject to change as these numbers undergo constant cleaning and validation.”