-- Advertisements --

Matapos ang 44 na taon, muling nanaig ang Philadelphia 76ers laban sa Boston Celtics sa isang playoff series matapos ang 109-100 panalo sa Game 7 ng Eastern Conference quarterfinals.

Pinangunahan ni Joel Embiid ang koponan sa kanyang napakagandang laro na may 34 puntos, 12 rebounds, at 6 assists, habang nag-ambag din si Tyrese Maxey ng 30 puntos, 11 rebounds, at 7 assists. Dahil dito, naitala ng 76ers ang isa sa kasaysayang pinakamalaking playoff comebacks matapos makabawi mula sa 3-1 deficit. ika-14 na koponan sa kasaysayan ng NBA na nakagawa nito.

Malakas ang naging simula ng Philadelphia sa second half kung saan nagposte sila ng 14-3 run at nakalamang ng hanggang 18 puntos sa third quarter. Gayunman, hindi sumuko ang Boston, nanguna si Jaylen Brown na may 33 puntos at 9 rebounds. at nagawang maibaba ang kalamangan  sa 1 puntos sa 4th quarter, kabilang ang basket ni Brown na naglapit sa iskor sa 97-96  na may limang minuto na lang ang natitira.

Sa kabila ng paghabol ng Celtics, nanatiling kalmado ang 76ers sa huling minuto ng laro upang maselyuhan ang panalo. Malaking dagok naman sa Boston ang pagkawala ni Jayson Tatum na hindi nakalaro sa Game 7 dahil sa left knee stiffness.

Ito ang unang pagkakataon mula 1982 na natalo ng Philadelphia ang Boston sa playoffs, at isang makasaysayang panalo na magbibigay ng malaking momentum sa 76ers sa susnod na round ang Eastern Conference Semis kung saan makakaharap nila ang New York Knicks.