MANILA – Nadagdagan pa ng 1,391 ang COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Dahil dito, umakyat pa sa 552,246 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng pandemic na coronavirus disease.
“10 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on February 15, 2021.”
Nasa halos 29,000 pa ang mga nagpapagaling o active cases.
Mula rito, 87.1% ang mild, 6.7% ang asymptomatic, at 0.85% ang moderate cases. Habang 2.7% ang critical, at 2.6% ang severe cases.
Samantala, nadagdagan din ng 45 ang total recoveries na nasa 511,796 na.
Habang pito ang bagong naitalang namatay, kaya 11,524 na ang total deaths.
“5 duplicates were removed from the total case count. Of these, 2 are recoveries.”
“Moreover, 2 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”