MANILA – Muling nabasag ng Pilipinas ang record nito ng pinakamataas na bilang ng bagong COVID-19 cases sa loob ng isang araw.
BREAKING: COVID-19 cases in the Philippines reaches 702,856. DOH reports another record high of 9,838 new infections.
— Christian Yosores (@chrisyosores) March 26, 2021
Active cases now at 109,018. Seven labs weren't able to submit their data yesterday. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/DIlFSPHds6
Ngayong Biyernes nag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 9,838 na bagong kaso ng coronavirus. Kaya naman sumipa na sa 702,856 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases.
“7 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 25, 2021.”
Ito na ang ika-siyam na sunod na araw na nag-ulat ang DOH ng higit sa 5,000 bagong kaso ng coronavirus.
Batay sa datos ng DOH, nasa 17.3% ang positivity rate o bilang ng mga nag-positibo mula sa populasyon ng 32,069 na nagpa-test sa COVID kahapon, Huwebes.
Samantala, sumipa naman sa 102,018 ang kabuuang bilang ng active cases o mga nagpapagaling sa sakit.
Ito na rin ang pinakamataas na total ng active cases mula nang pumutok ang pandemya sa Pilipinas.
Ayon sa DOH, 95.1% ng mga nagpapagaling ay mild cases; 3% ang asymptomatic; 0.8% severe; 0.7% critical; at 0.42% moderate cases.
Nadagdagan naman ng 663 ng bagong gumaling ang total recoveries na nasa 580,689 na.
Habang 54 ang nadagdag para sa 13,149 na total deaths.
29 duplicates were removed from the total case count. Of these, 14 are recoveries.
“In addition, 1 case was found to have tested negative and has been removed from the total case count.”
“Moreover, 22 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”
Noong Lunes, March 22, nang unang mag-ulat ang Health department ng higit 8,000 bagong kaso ng COVID-19.
Una nang sinabi ng independent body na OCTA Research na posibleng umabot ng 11,000 ang bilang ng new cases sa bansa pagdating ng katapusan ng Marso.
Ito ay kung hindi raw mako-kontrol ang “surge” o pagsipa sa bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Kasalukuyang nagpapatupad ng “bubble” ang pamahalaan sa tinaguriang “NCR plus” o National Capital Region, Cavite, Rizal, Laguna, at Bulacan.
Sa mga naturang lugar kasi na-obserbahan ang matataas na bilang ng bagong kaso ng coronavirus sa nakalipas na mga linggo.
Nakapaloob sa kautusan na nag-umpisa noong Lunes ang ilang paghihigpit lalo na sa biyahe ng mga motorista na tatawid ng border at mass gatherings.