-- Advertisements --

Inihain ni Texas Democrats Representative Al Green ang articles of impeachment laban kay US President Donald Trump.

Kasunod ito sa naging pagbo-bomba ni Trump sa Iran.

Sa kaniyang talumpati sa US House of Representatives na tinawag ni Green na ang ginawa ni Trump ay Illegal at unconstituitional.

Kinakailangan kasi na magkaroon ng pag-apruba mula sa mga kongreso ang anumang hakbang ng US sa pagbomba

Sa ginawang botohan ay nakakuha ito ng 344 na pumabor at 79 ang kontra kung saan 128 sa mga pumabor ay Democrats na kaalyado ni Trump.

Magugunitang sa unang termino ni Trump ay dalawang beses na ito ng tinangkang ma-impeach subalit siya ay na-acquit ng senado.