-- Advertisements --

Hindi makakadalo sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, na nakatanggap sila ng sulat mula sa Office of the Vice President at hindi tinanggap ang nasabing imbitasyon.

Dagdag pa ni Velasco, na sa 200 na mga inimbitahan ay tanging si Duterte pa lamang sa ngayon ang umatras sa imbitasyon para sa SONA.

Magugunitang noong nakaraang taon ay hindi na dumalo ang bise presidente matapos ang pagbibitiw nito sa gabinete ni Pangulong Marcos.

Bilang bahagi rin ng protocol ay pinadalhan din ni Velasco ng imbitasyon si dating pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang tahanan sa lungsod ng Davao.