-- Advertisements --
Napanatili ng tropical depression na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang lakas nito, kasabay ng tuloy-tuloy na pagkilos sa labas ng bansa.
Batay sa report na inilabas ng state weather bureau ngayong araw (June 23), nananatili ang 65 kph na lakas ng hangin nito habang ang pagbugso ay umaabot sa 80 kph.
Kaninang alas-8 ng umaga nang ito ay maging ganap na TD mula sa dating pagiging Low Pressure Area (LPA 06a).
Patuloy naman itong binabantayan ng weather bureau habang kumikilos ng hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.
Kasalukuyan itong may layong 2,380 kms, silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon
Wala namang gaaanong epekto ang naturang weather system sa kalupaan ng Pilipinas.