-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Bagamat itinuring na ‘maneagable’ na ang pangkalahatang seguridad sa rehiyon ng Mindanao subalit hindi ibinaba ng Philippine Army ang kanilang kampanya kilusang Communist Party of the Philippines -New People’s Army (CPP-NPA).

Ito’y kahit ipinagmalaki ng commander-in-chief ng Pilipinas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tuluyan nang bumagsak ang huling guerrilla front committee ng CPP-NPA sa bahagi ng Luzon region.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Philippine Army spokepserson Col. Louie Dema-ala na hangga’t mayroon pang natitirang kasamahang NPA combantants na bitbit ang mga baril ay makapaghasik pa umano ito ng mga kaguluhan sa mga liblib na lugar.

Ito ang dahilan na inaatas ni Philippine Army commanding general Lt Gen Antonio Nafarette na ituloy ang pagtugis ng ilang armadong kasapi ng grupo hanggang sa susuko sila o kaya’y ma-neutralize ng tuluyan.

Sinabi nito na bagamat naisakatuparan nila ang hiningi ni Marcos na tapusin ang kilusang guerrilla front commitees ng CPP-NPA subalit ayaw sila pakampante dahil maging sila ay gusto na matigil na ang mga engkuwentro ng kapwa-Filipino ng higit limang dekada na.