Posibleng maglaro pa rin mula P51.00 hanggang P54.00 ang katumbas ng isang dolyar pagpasok ng 2020.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, nasa ‘fair value’ ang peso kontra sa dollar.

Itinuturing pa rin na isa sa tatlong malakas na currencies sa Asia region ang peso.

Nangunguna pa rin ang Thai baht.

Sinang-ayunan nito ang naging pahayag ng macroeconomic planners na ang peso ay maglalaro mula P51 hanggang P54.